July 2, 2026 | News by PISD

𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 (𝗟𝗥𝗔) – 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗢𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼
02 Hulyo 2026, Roxas – Patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) katuwang ang iba’t ibang lehitimong pribadong kumpanya ang pagkakaroon ng mas maraming oportunidad na makahanap ng trabaho ang mga kwalipikadong mamamayan sa pamamagitan ng Local Recruitment Activity (LRA).
Layunin ng gawaing ito na mailapit sa mga patuloy na naghahanap ng trabaho ang mga kumpanyang nangangailangan ng mga manggagawa upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-apply at makapagtrabaho nang hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa malalayong lugar.
Ngayong araw, Hunyo 2, naging katuwang ng PPESO ang EPSON Precision (Philippines), Inc., isang pribadong kumpanya na nagsagawa ng on-site screening at on-the-spot interview sa 142 mga aplikante para sa iba’t ibang bakanteng posisyon. Kabilang sa mga naging aplikante ang mga fresh graduate, skilled workers, at iba pang job seekers mula sa iba’t ibang bayan partikular sa mga taga Segunda Distrito ng lalawigan. Sa naturang kabuuang bilang hired on the spot (HOTS) ang 117 mga nag-apply.
Nagbigay-gabay ang mga kawani ng PPESO tungkol sa tamang paghahanda ng mga kinakailangang dokumento, proseso ng aplikasyon, at iba pang serbisyong may kaugnayan sa employment facilitation upang maging mas handa ang mga aplikante sa kanilang pagpasok sa inaplayang trabaho.

