113 Scholars sa Segunda Distrito, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan

July 2, 2026 | News by PISD

𝟏𝟏𝟑 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐠𝐮𝐧𝐝𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨, 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧

02 Hunyo 2026, Roxas – Nasa 113 na mga iskolar ang tumanggap ng kanilang educational allowance sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang PEAP ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrasyon ni Governor Bonz Dolor na naglalayong umagapay sa mga mag-aaral na walang sapat na kakayanang pinansyal para sa pagpapatuloy sa kolehiyo.

Humigit-kumulang P700,000 ang kabuuang halagang ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula sa tatlong pangunahing kolehiyo sa Segunda Distrito.

Sa 113 na scholars, tig-P5,000 ang natanggap ng bawat regular na benepisyaryo, habang P10,000 naman ang ipinagkaloob sa mga mag-aaral na kabilang sa Dean’s List ng kanilang mga paaralan.

Kabilang sa mga tumanggap ng educational assistance ang mga mag-aaral mula sa Mindoro State University (MinSU) Bongabong Campus, John Paul College, at Innovative College of Science and Technology.

Pinangasiwaan ang gawain ng mga kawani ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO)- Education Services and Support Division.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02ZmHXP8HUPs3nx4oVScissHBBpS5LCwppq9YBtGoVuGAfMGbPUhQpB2nnzoSEtXxhl

Scroll to Top