Mahigit 7,500 TESDA scholarships, nakalaan para sa Oriental Mindoro ngayong 2026

July 1, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐Ÿณ,๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐—” ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

30 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) MIMAROPA sa pagpapaunlad ng kasanayan, kakayahan at kabuhayan ng mga mamamayan, mula sa 15,000 TESDA scholars sa buong rehiyong MIMAROPA para sa taong 2026, mahigit 7,500 dito ang kanilang inilaan para sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa naging talakayan sa Kapihan sa PIA MIMAROPA kahapon, ika-30 ng Hunyo, inanunsyo ito ni TESDA Oriental Mindoro Provincial Director Vanessa Jane D. Aceveda kasama si TESDA MIMAROPA Regional Operations Division Chief Manuel C. Lacson sa harap ng mga lokal na mamamahayag sa lalawigan.

Ngayong buwan ng Hunyo, umabot na sa halos 4,000 ang bilang ng mga TESDA Scholars sa lalawigan o katumbas ng 52% mula sa kabuuang bilang nito na mahigit 7,500.

Ang Oriental Mindoro ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng scholars na laan ng TESDA ngayong taon.

Malaking oportunidad ito para sa mga Oriental Mindoreรฑo upang magkaroon ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga programang teknikal at bokasyunal ng TESDA na maaari nilang magamit sa kanilang hanapbuhay.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HP4qRDa8S/

Scroll to Top