Maayos na pamamahala ng basura, patuloy na isinusulong sa OrMin.

June 30, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

30 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Tuluy-tuloy ang pagsusulong at pagpapatupad ng mga programa at inisyatibang may kinalaman sa maayos na pamamahala ng mga basura at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran ng lalawigan.

Ito ang itiniyak sa 2nd Quarterly Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board sa Mangyan Hall, Provincial Capitol.

Pinangunahan ito ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) sa pamumuno ni PGDH โ€“ PG-ENRO Lily May E. Lim.

Iniulat ng Municipal ENROs ang kasalukuyang estado ng kanilang mga programa tulad ng regular na monitoring at pagpapatupad ng โ€œNo Segregation, No Collectionโ€ policy upang matiyak ang responsableng pagtatapon, paghihiwalay, pangongolekta at pamamahala ng mga basura sa mga barangay na kanilang nasasakupan.

Gayundin, tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) Oriental Mindoro na hindi nawawala sa kanilang Curriculum ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng disiplina upang panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran ng mga paaralan.

Binigyang-diin din ng PG-ENRO na tuluy-tuloy ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng “Malinis na Kapitolyo Project” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksyon sa mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan at regular na koleksyon ng mga basura tuwing Martes at Huwebes.

Gayundin, patuloy ang kanilang tanggapan sa pagkalap ng datos ukol sa solid waste management ng bawat Local Government Unit (LGU) upang higit pang mapaigting ang pagpapatupad ng 10 taong Provincial Solid Waste Management Plan (PSWMP).

Tinalakay naman ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni PHO II Dr. Angela Ante ang mahigpit na mga patakaran sa wastong pangangasiwa at pagbyahe ng mga mapanganib na mga basura upang matiyak ang ligtas na pagtatapon at maiwasan ang posibleng masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.

Handa ring magpaabot ng tulong tulad ng pagpapagamit ng heavy equipment ang Provincial Engineering Office na pinangangasiwaan ni Provincial Engineer Edylou Tejido sa mga bayan at ahensya kung kinakailangan sa operasyong may kinalaman sa pamamahala sa basura.

Kabilang naman sa dumalo sa gawain si Special Assistant for Environmental Concerns Maximino Jumig, Jr. at kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1XYVN5YKhX/

Scroll to Top