June 30, 2026 | News by PISD

Isinagawa ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Offices, ang 𝐅𝐨𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞 (𝐅𝐌𝐃) 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 sa mga baka, kalabaw, at kambing sa iba’t-ibang barangay sa mga bayan ng Naujan, Mansalay, at Bulalacao noong Hunyo 22-25, 2026.
Layunin ng gawaing ito na masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng ating mga alagang hayop, mapanatili ang FMD-free status ng probinsya, gayundin ang ligtas at produktibong sektor ng paghahayupan sa lalawigan.
Maraming salamat sa mga livestock technicians ng mga nasabing munisipyo at higit sa lahat sa ating mga magsasaka at livestock raisers sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta sa programang ito.
Sa sama-samang pagkilos, mas mapapanatili nating ligtas ang kabuhayan ng ating mga mag-aalaga ng hayop.
