NOL1 mula sa DA-PRDP, iginawad sa Pamahalaang Panlalawigan para sa pagdudugsong ng mga kalsadang Merit-Bugtong na Tuog

June 29, 2026 | News by PISD

𝐂𝐨𝐧𝐜𝐫𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐫𝐢𝐭, 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚 – 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚 – 𝐌𝐚. 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨 – 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐕𝐚𝐥𝐥𝐞𝐲, 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨- 𝐁𝐮𝐠𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐓𝐮𝐨𝐠, 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨 𝐅𝐚𝐫𝐦 𝐭𝐨 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐛𝐫𝐢𝐝𝐠𝐞.

Ngayong araw, June 29, 2026, ay pormal nang iginawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang Certificate of No Objection Letter 1 (NOL1) mula sa Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) para sa pagdudugsong ng mga kalsada mula Merit, Victoria hanggang Bugtong na Tuog, Socorro kasama ang pagsasagawa ng tulay.

Malaking tulong ito sa pang araw-araw na buhay ng mga mag-aaral, guro, magtitinda, magsasaka at lahat ng makikinabang dito.

Maraming salamat sa bumubuo Department of Agriculture sa pangunguna ni Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr at Pangulong Bongbong Marcos.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Si7e1s1tH/

Scroll to Top