Bicol Region at ilang lugar sa Southern Luzon, posibleng itaas sa Signal No. 1

June 29, 2026 | News by PISD

🔵BICOL REGION AT ILANG LUGAR SA SOUTHERN LUZON POSIBLENG ITAAS SA SIGNAL NO. 1🌀

Posibleng itaas sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang #BicolRegion, #Quezon, #Batangas, #MindoroProvinces, #Marinduque at #Romblon kapag lumakas bilang bagyo ang Low Pressure Area ayon sa ulat mula sa Pagasa.

Base sa datos, namataan kaninang hapon ang LPA, 165 kilometers silangan ng #BoronganCity, Eastern Samar at patuloy nang lumalapit ito sa kalupaan ng #EasternVisayas at #BicolRegion area.

Sa ngayon ay ramdam na ang pag-ulan sa bahagi ng #EasternVisayas, #BicolRegion at ilang bahagi ng #CaragaRegion dahil sa pinagsamang epekto ng LPA at Habagat.

Pinapayuhan ang ating mga kababayan na maging handa sa banta ng malakas na pag-ulan, makinig sa mga abisu ng gobyerno at patuloy na magmonitor sa mga pagbabago ng forecast na ito sa susunod pang mga oras at araw. Ingat po!!!

Weather News 24/7 | June 29, 2026

Source: https://www.facebook.com/share/p/193Bwtux7b/

Scroll to Top