June 29, 2026 | News by PISD

๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐๐ฆ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
29 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan โ Pinasimulan ngayong araw ang Provincial-wide Basic Geographic Information System (GIS) Training na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources DENR- Mindoro Biodiversity Corridor sa pakikipagtuwang sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office.
Pangunahing layunin ng pagsasanay na mabigyan ng kasanayan ang mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya kaugnay sa paggamit ng GIS.
Ayon kay Geographic Innovations for Development Solutions, Inc. (GRIDS) Chief Operating Officer Lester Ryan P. Mojica, mahalaga ang pagsasanay na ito upang matiyak ang pagkakaroon ng geographical data na napapanahon na maaaring gamiting gabay sa mas epektibong pagpaplano at pagtugon sa mga pangangailangan ng lalawigan.
Samantala, bahagi rin ng limang araw na pagsasanay ang Roads and Bridges Information System (RBIS).
Nakiisa at dumalo ang mga kawani ng mga tanggapan sa Kapitolyo kabilang ang Provincial Planning and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Agriculturistโs Office, Provincial GovernmentโEnvironment and Natural Resources Office, Provincial Engineering Office, mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, National Commision on Indigenous People (NCIP) at DENR-MBC.
