PNP OrMin., hinikayat ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak

June 27, 2026 | News by PISD

Kasunod ng mga naitatalang insidente ng karahasan sa ilang paaralan, hinihikayat ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at tiyaking hindi sila nagdadala ng anumang deadly weapon o mapanganib na bagay sa paaralan.

Alinsunod sa DepEd Order No. 40, s. 2012 (Child Protection Policy), ipinagbabawal ang pagdadala at pagmamay-ari ng deadly weapons sa loob ng school premises.

Ang paghubog ng disiplina, respeto, at pananagutan ay nagsisimula sa tahanan. Sa pagtutulungan ng mga magulang, paaralan, at komunidad, mapananatili nating ligtas ang ating mga mag-aaral.

“𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙉𝙋 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨: 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨, 𝙏𝙖𝙥𝙖𝙩, 𝙖𝙩 𝙉𝙖𝙧𝙖𝙧𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙖𝙣.”

#ToServeandProtect

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1332470395729081&id=100068983997076&mibextid=wwXIfr&rdid=FAboh82ujy2mETbL#

Scroll to Top