Our Mother of Perpetual Help Quasi-Parish sa Brgy. Biga, Calapan, isa nang ganap na parokya

June 27, 2026 | News by PISD

Isa nang ganap na Parokya ang Our Mother of Perpetual Help Quasi-Parish sa Brgy. Biga, Lungsod ng Calapan.

Tatawagin na ito bilang Parokya ng Ina ng Laging Saklolo.

Sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Diocese of Calapan Bishop Most Rev. Moises M. Cuevas, isinagawa ang pagbabasbas ng nasabing simbahan.

Itinalaga rin bilang Kura Paroko ng parokyang ito si Rev. Father Buhay P. Villaluna.

Iniabot sa kaniya ang susi ng Tabernakulo at ipinagkatiwala ang pamamahala ng binyag at kumpisalan.

Dumalo naman sa okasyong ito si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na tanda ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa Simbahan upang higit pang isulong ang pagdadamayan, pagpapahalaga sa pananampalataya, at pagtutulungan para sa kapakanan ng komunidad at ng mga mamamayan ng buong lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1445321197630790&id=100064587706800&mibextid=wwXIfr&rdid=u5eF7HPryNecB7H7#

Scroll to Top