June 27, 2026 | News by PISD

Malugod namin ipinapaalam sa lahat ng Oriental MindoreƱo, handog ng Pamahalaang lalawigan ng Oriental Mindoro at Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), kaagapay ang Rotary Club of Calapan, Rotary International District 3820, Rotary International District 3700, at ang Rotary Club of Daegum Kumsong mula sa South Korea, ang OMPH Endoscopy Unit.
Ang OMPH Endoscopy Unit ay may layuning mailapit sa bawat MindoreƱo ang de-kalidad na pagsusuri at pangangalaga sa mga sakit ng sistemang panunaw. Itinatag ang yunit na ito upang mapabuti ang akses sa mahahalagang serbisyong diagnostic sa lalawigan.
Kung inirerekomenda ng iyong attending physician ang isang endoscopy, magtiwala sa OMPH Endoscopy Unit upang maibigay ang napapanahon at de-kalidad na serbisyong medikal.
Ang maagang pagsusuri ay daan sa mas mabisang gamutan.
Sa kasalukuyan ang procedure na ito ay maaring magagawa pa lamang sa mga naka admit na pasyente sa ating pagamutan; kaya sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Gobernador Bonz Dolor, katuwang ang Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Cielo A. Ante, Provincial Health Officer II, na magkaroon ng naturang pasilidad upang matulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan na walang kakayahang bumayad sa mga ganitong pasilidad.
Ang buhay ay mahalaga kaya ang kalusugan natin ay palaging ingatan.
Maraming Salamat po.
