June 27, 2026 | News by PISD

Masayang ginanap ang Gaylympics sa Sentrong Pangkabataan, na nilahukan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ngayong araw.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang pagkakaisa, respeto, at aktibong pakikilahok ng bawat isa.
Naging tampok sa programa ang iba’t ibang palaro tulad ng Volleyball, Basketball at Palarong Panlahi, na nagbigay ng saya at pagkakataong maipakita ng mga kalahok ang kanilang talento, husay, at sportsmanship.
Personal namang bumisita si Vice Governor Antonio S. Perez Jr. sa nasabing aktibidad.
Magkatuwang na pinangasiwaan ang aktibidad ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Provincial Tourism Officer Dhon Stepherson Calda, Office of the Governor – Special Concerns Division sa pamumununo ni SCD Chief Junielo Alcuran at ng Oriental Mindoro Pride Council sa pangunguna ni Chairperson Josh Barrientos.
Inaasahan na ang ganitong uri ng programa ay patuloy na mabibigyan ng suporta Pamahalaang Panlalawigan upang maisulong ang inklusibong komunidad, pagkakaisa, at positibong pakikilahok ng bawat mamamayan.

