June 26, 2026 | News by PISD

Kinilala at itinalaga ng Department of Health (DOH) ang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) bilang kauna-unahang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BeMONC) Training Center sa buong rehiyong MIMAROPA.
Ito ay matapos makapasa ang OMPH sa clinical standards at institutional requirements na itinakda ng DOH.
Dahil dito, magiging sentro ang OMPH ng pagsasanay ng healthworkers sa buong rehiyong MIMAROPA na magbibigay-daan sa mas ligtas na panganganak at mas mahusay na pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol.
Maituturing itong isang malaking karangalan para sa pamunuan ng ospital, lalo na sa Obstetrics and Gynecology (OB-GYN) department at Pediatrics department.
Bunga ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at sa pamamagitan ni Provincial Health Officer II at OIC-Chief of Hospital Dr. Cielo Angela A. Ante na patuloy na iangat ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong ospital sa lalawigan.
