June 24, 2026 | News by PISD

๐ฆ๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป,
๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
24 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan โ Upang mas palakasin ang mga mekanismo sa pagsusulong ng kapakanan ng mga bata at wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan sa lalawigan, isinagawa ngayong araw ang Joint Quarterly Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) at Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (PCAT-VAWC) sa Kapitolyo.
Pinangunahan ni Board Member Farrah Fay C. Ilano-Navarro, PCAT-VAWC Vice-Chairperson katuwang si Provincial Social Welfare and Development Officer Zarah C. Magboo ang naturang pagpupulong.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ang naging resulta ng 2025 PCPC Functionality Assessment Tool ng Oriental Mindoro. Dito, ipinaliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Frederick C. Gumabol ang ibaโt ibang components na kinakailangan tulad ng Organizational Sustainability, Policies and Plans for Children, Budget for the PCPC at Service Delivery Monitoring and Management for Children upang masukat ang epektibong pagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng kapakanan ng mga bata.
Iprinesenta naman ni PSWD Officer Magboo ang ibaโt ibang programang nakapaloob sa 2026-2029 Local Development Plan for Children ng lalawigan kabilang na ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa mga barangay, mental health awareness campaign, pagsasagawa ng Childrenโs Congress at iba pa.
Tinalakay rin ang mga bagay na kinakaharap sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata at kababaihan at kung paano ito matutugunan. Hinikayat din ang patuloy na koordinasyon ng ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan at konsernadong grupo na bumubuo sa konseho para sa mas maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa.
Samantala, kasunod ng ilang insidente ng karahasan sa mga paaralan sa ibaโt ibang panig ng bansa at upang paigtingin ang seguridad sa mga paaralan at maitiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, ipinasa ng pinagsamang konseho ang resolusyong may titulong โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐ฆ๐ฑ๐๐ฅ), ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐), ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐’๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ , ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐’๐ “๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐” ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ
