June 24, 2026 | News by PISD

Dumalo ang mga kinatawan ng Provincial Veterinary Office sa isang pagtitipon na dinaluhan din ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga Local Government Units (LGUs), hog raisers, viajeros, at iba pang stakeholders sa isinagawang “Stakeholders Consultation on the Preparation of Cost Structure for Hogs” na pinangunahan ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD).
Layunin ng konsultasyong ito na makalikom ng mahahalagang datos at pananaw mula sa mga sektor na direktang sangkot sa industriya ng pagbababuyan upang makabuo ng mas makatotohanan, patas, at napapanahong cost structure. Ang mga impormasyong ito ay magsisilbing batayan sa pagbalangkas ng mga polisiya at programang makatutulong sa pagpapalakas ng produksyon, marketing, at kabuhayan ng mga hog raisers at iba pang stakeholders sa value chain.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bukas na talakayan, mas mapagtitibay natin ang industriya ng paghahayupan para sa isang mas matatag at masaganang sektor ng agrikultura. ![]()
![]()
Source: https://www.facebook.com/share/p/1JmBQM7gGf/?mibextid=wwXIfr
