Mga serbisyo para sa PWDs, suportado ng Pamahalaang Panlalawigan

June 24, 2026 | News by PISD

𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐖𝐃𝐬, 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧

24 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Ang pagpapalakas sa mga programa, polisiya, at mga hakbang para sa adbokasiya, organisasyon, at serbisyo na laan sa Persons with Disabilities (PWDs) sa lalawigan.

Ito ang pangunahing layunin ng isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng Asosasyon ng mga Taong may Kapansanan sa Oriental Mindoro (ATKOM) ngayong araw sa Kapitolyo na dinaluhan ng 29 kinatawan mula sa iba’t ibang bayan ng Oriental Mindoro.

Tinalakay rito ang paghalal ng bagong pamunuan ng ATKOM sa darating na Agosto, gayundin ang proseso ng akreditasyon nito sa Sangguniang Panlalawigan at iba pang mga ahensiya. Nagbigay rin ng update hinggil sa Provincial Ordinance No. 185-2025 na naglalayong magkaloob ng tulong pinansyal sa mga PWD na hindi na maaaring magtrabaho dahil sa uri ng kanilang kapansanan.

Inilatag dito ang iskedyul ng roll-out ng Unified ID System Training at ang pagsasagawa ng mga konsultasyon sa iba’t ibang stakeholder kaugnay ng disability classification, pag-iisyu ng sertipikasyon, paggamit ng mga diskwento, at pagpapatupad ng mga polisiya.

Nagkaroon din ng mga paghahanda para sa Provincial Disability Rights Week Celebration cum General Assembly na gaganapin sa ika-31 ng Hulyo, sa pangunguna ni ATKOM Federation President John Vargas at iba pang mga opisyal, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga PWDs sa lalawigan.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PSWD Officer Zarah C. Magboo.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CYnN1zsWn/

Scroll to Top