June 24, 2026 | News by PISD


๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ๐ณ๐ฌ๐ฌ๐ ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ป๐ต๐ถ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ท๐ฒรฑ๐ผ
24 Hunyo 2026, Naujan- Umabot sa Php703,000 ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging binhi na direktang pakikinabangan ng 217 magsasaka sa bayan ng Naujan.
Ito ay bahagi ng tuluy-tuloy na pagpapalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa sektor ng agrikultura upang mapataas ang produksyon, ani, at kita ng mga magsasaka.
Layunin ng programa na maalalayan ang mga magsasaka upang mabawasan ang gastusin sa pamamagitan ng libreng binhi habang target na pataasin ang kanilang ani at kita.
Pinangunahan nina Governor Humerlito A. Dolor, First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, at Provincial Agriculturist Christine Pine ang distribusyon ng binhi sa mga myembro ng tatlong samahan ng mga magsasaka sa Naujan: Naujan Multipurpose Cooperative; Adrialuna Farmers Association; at Adrialuna Farmers Irrigators Association.
Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga samahang ito sa pagpapalawak ng pagtatanim ng Mindoro Rice variety sa lalawigan.
Patuloy ring isinusulong ng Provincial Agriculturistโs Office (PAgO) ang pagpapaunlad ng Mindoro Rice, isang natatangi at kilalang uri ng bigas mula sa Oriental Mindoro na kilala sa mapuputi, de-kalidad, at malinamnam nitong butil. Dahil sa kalidad nito, nananatili itong isa sa mga pinakapinipili at hinahanap na bigas sa lalawigan.
Binigyang-diin ni Gob. Dolor na mahalagang bahagi ng food security program ng lalawigan ang suporta sa mga magsasaka.
Aniya, target ng pamahalaan na sampung beses na dagdagan ang pondo ng PAgO pagsapit ng 2027 upang mas marami pang magsasaka ang mabigyan ng tulong at kinakailangang suplay para sa produksyon.
Kaugnay nito, inatasan din niya ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na paigtingin ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niรฑo sa mga susunod na buwan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng contingency plan para sa sektor ng agrikultura.
Nagpahayag naman ng suporta si Bise-Gobernador Antonio S. Perez, Jr. sa mga programang pang-agrikultura ng lalawigan.
Aniya, malaking tulong sa pagtaas ng ani at kita ng mga magsasaka ang paggamit ng de-kalidad na binhi, at sa pamamagitan ng pagtutulungan ay malalampasan ang mga hamon sa sektor.
Pinasalamatan naman ni Naujan Mayor Henry Joel C. Teves ang mga inisyatibang inilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan at hinikayat ang kanilang kapwa magsasaka na itanim at paramihin ang mga ipinagkaloob na binhi.
Dumalo rin sa gawain sina First District Board Member Alely Casubuan-Tan, Board Member Ryan Z. Arago, Naujan Mayor Henry Joel Teves, Executive Assistant Jojo de Villa, Barangay Santiago Councilor John Kavin Baysa, at iba pang konsernadong indibidwal.
