June 23, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ต๐ฝ๐ญ.๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด, ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฏ๐ถ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ฎ
23 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan โ Magkakaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng Php1.062M na tulong pinansyal sa bayan ng Puerto Galera na kasalukuyang nasa ilalim ng State of Calamity dulot ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Itoโy matapos aprubahan ng 12th Sangguniang Panlalawigan sa Special Session ngayong gabi ang โA Resolution Recommending To The Sangguniang Panlalawigan Of Oriental Mindoro To Authorize The Provincial Government Of Oriental Mindoro To Provide Fuel And Material Assistance To The Municipal Government Of Puerto Galera (Oriental Mindoro), Which Is Presently Under A State Of Calamity Due To The Prevailing Water Supply Shortage, And To Authorize The Charging Of Said Assistance Against The Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) โ Quick Response Fund (QRF)โ.
Ipinresenta ito ni Committee on Environment, Natural Resources, Climate Change and Disaster Management Chairperson Bokal Alexandra Casubuan-Tan.
Itinatakda nito ang agarang pagbibigay ng mga sumusunod na tulong sa nasabing bayan:
Paunang alokasyon na โฑ500,000 para sa pagbili ng gasolina na gagamitin sa paghahatid ng tubig at iba pang emergency response operations; at
Pagbibigay ng isang kilometrong hose (2ยฝ-inch HDPE Pipe SDR 9 na may compression-type coupling) na nagkakahalaga ng โฑ562,000.
Dagdag pa rito, magbibigay rin ng karagdagang โฑ250,000 kada buwan ang Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing bayan para sa gasolina na ipagkakaloob batay sa patuloy na pagsusuri at beripikasyon sa umiiral na kakulangan sa suplay ng tubig at sa bisa ng umiiral na State of Calamity.
Matatandang bago ito, nagpadala ng sulat si Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa Sangguniang Panlalawigan noong ika-22 ng Hunyo upang hilingin ang agarang pagtalakay at pagpapasya sa pag-aruba ng nasabing Resolusyon.
Sa pamamagitan nito, maaagapayan ang mga residente mula sa 13 barangay sa Puerto Galera na apektado ng kawalan ng tubig dulot ng pagkatuyo ng mga bukal na nagsimulang maranasan noong Marso 2026.

