June 23, 2026 | News by PISD

๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ๐ด๐ฌ๐ฌ๐ ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ต๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐๐ฑ
23 ๐๐ถ๐ฏ๐บ๐ฐ 2026, ๐๐ข๐ฏ๐ด๐ถ๐ฅ – Umabot sa P893,000.00 halaga ng de-kalidad na binhi ng palay ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga magsasaka sa bayang ito.
Kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, pinangunahan ni Governador Humerlito A. Dolor ang pamamahagi ng binhi sa mahigit 300 magsasakang miyembro ng mga sumusunod na samahan: Salcedo Irrigators and Farmers Agriculture Cooperative (SiFAgCo); Bukluran Multi-Purpose Cooperative (BUKLURAN); Bagorra Farmers Agriculture Cooperative (BAFARCO); at Catmon Farmers Multipurpose Cooperative (CaFMuCo).
Layunin ng programa na mapataas ang produksyon ng palay at mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa pagbili ng farm inputs. Bahagi rin ito ng pagsusulong ng administrasyong Dolor sa pagpapalakas ng mga kooperatiba bilang katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Dolor ang kahalagahan ng pagiging kasapi sa mga kooperatiba upang mas madaling maabot ng mga programa at tulong ng pamahalaan ang mga magsasaka.
Inilahad din niya ang mga paghahandang isinasagawa ng lalawigan laban sa posibleng epekto ng El Niรฑo. Kabilang na rito ang pagbuo ng contingency plan at pagbili ng water driller upang makatulong sa mga lugar na maaaring makaranas ng kakulangan sa tubig.
Inatasan din ng Gobernador ang Provincial Agriculturistโs Office na higit pang palakasin ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura at hinikayat ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa kanilang Municipal Agriculture Offices para sa karagdagang suporta.
Mahalaga aniya pa, na maiseguro na may pagkain sa bawat lamesa ng bawat mamamayan. Kasunod nito ang kanyang naging panawagan na sana maituro sa batang henerasyon ang kahalagahan ng pagsasaka at ang pagmamahal sa lupa ay kaylanman nawa ay di dapat mawala.
Ayon naman kay Provincial Agriculturist Christine Pine, nananatiling prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang kapakanan ng mga magsasaka at kooperatiba sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng sektor.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong na anila’y malaking ginhawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastos sa produksyon.
