June 23, 2026 | News by PISD


𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 ₱ 𝟱𝗠 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻, 𝗣𝗼𝗹𝗮, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻
23 Hunyo 2026, Pola – Sa bisperas ng kapistahan ng Pola, dalawang (2) proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalagang mahigit ₱ 5M ang pinasinayaan sa Barangay Batuhan sa bayan ng Pola ngayong ika-23 ng Hunyo.
Kabilang dito ang ₱ 3.5M multi-purpose building at ₱ 1.6M senior citizen’s building.
Pinangunahan ang gawain ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, katuwang si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor at Pola Mayor Jennifer M. Cruz.
Ito ang magiging sentro ng pamahalaang Barangay ng Batuhan, Pola sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, pasasalamat sa Punong lalawigan ang ipinaabot ni Kapitan Joel S. Naling at mga residente para sa mga proyektong ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang barangay.

