Kapistahan sa bayan ng Pola, muling naghatid ng saya, kulay at sigla

June 23, 2026 | News by PISD

𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗹𝗮, 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘆𝗮, 𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮

23 Hunyo 2026, Pola – Napuno ng saya, sigla at kulay ang naging pagdiriwang ng kapistahan ng bayan ng Pola bilang pagbibigay-pugay sa kanilang patron na si San Juan Bautista.

Magkatuwang na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at Pamahalaang Bayan ng Pola na pinamumunuan ni Pola Mayor Jennifer M. Cruz ang mga aktibidad ngayong ika-23 ng Hunyo.

Nagpatingkad ng gabi ang naging pagtatanghal ng bandang Rocksteddy na naghatid ng kasiyahan sa mga manonood. Napasabay sa pagkanta at pag-indak ang mga manonood habang kinakanta ng grupo ang kanilang mga sariling komposisyong awitin.

Samantala, nagtanghal din ang mga lokal na bandang Uplifter at Phoebe na kapwa mula sa Oriental Mindoro.

Tampok din dito ang Latiti Dance Party o ang tradisyunal na pagbubuhos ng tubig o “basaan” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sab-Uyan Festival na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nilahukan ito ng mga lokal na residente, bisita at lahat ng mga nakisaya sa piyesta.

Ang mga gawaing ito ang nagpapakita ng mayamang kultura at pagkakaisa ng mga residente ng Pola.

Samantala, nakiisa rin sa pagdiriwang sina Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Vice Mayor Leandro O. Panganiban Jr. at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pola.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BNDGy5PKS/

Scroll to Top