Bagong gusali ng Senior Citizens sa San Isidro Bongabong, Pinasinayaan

June 23, 2026 | News by PISD

𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗚𝘂𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻

23 𝘏𝘶𝘯𝘺𝘰 2026, 𝘉𝘰𝘯𝘨𝘢𝘣𝘰𝘯𝘨- Patuloy na pinahahalagahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayong mapanatili ang kanilang aktibong pakikilahok sa komunidad.

Ngayong araw, isinagawa ang formal ribbon cutting ng bagong gusali ng Senior Citizens Association sa Barangay San Isidro, Bongabong sa pangunguna nina Gov. Humerlito A. Dolor at First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor.

Nakiisa sa okasyon ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan ng Bongabong, Pamahalaang Barangay ng San Isidro, at mga senior citizen sa lugar.

Sa kanyang mensahe, binigyang-inspirasyon ni Gob. Dolor ang mga pangunahing mamamayan at kinilala ang kanilang mahalagang papel sa pag-unlad ng komunidad. Tiniyak din niya ang patuloy na suporta sa sektor, kabilang ang mga programang magpapalakas sa kanilang samahan.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa bagong pasilidad na magsisilbing sentro ng kanilang mga pagpupulong at iba pang gawaing pangkomunidad.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DbjDdrmEq/

Scroll to Top