Kalsada sa Bayuin-Fortuna, Socorro, kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan

June 22, 2026 | News by PISD

𝗞𝗮𝗹𝘀𝗮𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝘂𝗶𝗻-𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮, 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼, 𝗞𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

22 Hunyo 2026, Socorro – Mula sa dating kalsadang madaling gumuguho tuwing panahon ng tag-ulan sa Barangay Bayuin at Fortuna, Socorro, ngayon, matibay at ligtas na itong madadaanan ng mga residente matapos itong basbasan at opisyal na buksan ngayong ika-22 ng Hunyo.

Kasabay ng pagdiriwang ng Pakapya Agtike Festival ng Bayan ng Socorro, pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, kasama sina Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor at Socorro Mayor Nemmen Perez ang pagbubukas ng proyekto.

Bukod sa isinaayos na 86 metrong kalsada, kasama rin dito ang ginawang slope protection na nagsisilbing suporta at proteksyon sa proyekto upang hindi na muli pang gumuho.

Itinuturing itong malaking katulungan ng mga residente ng dalawang nabanggit na barangay dahil mababawasan na anila, ang kanilang alalahanin at pangamba tuwing darating ang tag-ulan.

Samantala, nakiisa din sa gawain sina Vice Mayor Allan Kenneth P. Tolentino, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ilang mga punong barangay ng Socorro.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DETzQjF3S/

Scroll to Top