Jeian Dessa Francisco, itinanghal na Ms. Teen Model International 2026

June 22, 2026 | News by PISD

Pagbati kay 𝗝𝗲𝗶𝗮𝗻 𝗗𝗲𝘀𝘀𝗮 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 na itinanghal bilang Ms. Teen Model International 2026.

Nakipaglaban si Francisco sa mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa at nasungkit niya ang korona bilang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon na ginanap sa Peru.

Ang kaniyang ina ay tubong Oriental Mindoro mula sa bayan ng Socorro habang ang kaniyang ama naman ay mula sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Isang karangalan para sa lalawigan na maibahagi ang kaniyang tagumpay na ito.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18fUxL8Qk7/

Scroll to Top