June 22, 2026 | News by PISD


Upang makapagbigay ng agarang tulong ang pamahalaang panlalawigan para sa ating mga kababayan sa Puerto Galera na lubhang nangangailangan ng suplay ng tubig na isang pangunahing pangangailangan, nagpapatawag tayo ng Special Session ng Sangguniang Panlalawigan bukas, Hunyo 23, ika-6 ng hapon.
Ito ay bunsod ng pagpapaliban ng Sangguniang Panlalawigan na ipasa sa kanilang regular na sesyon sa araw na ito ang ating kahilingang makapagbigay agad ng fuel assistance para sa paghahatid ng tubig at ang mga PE Pipes para sa paghahatid ng tubig mula sa pinanggagalingan nito.
Naniniwala tayo na ang tubig ay lubhang mahalaga at ito ay dapat na matugunan sa lalong madaling panahon.

