Pagsusumite ng mga plano at hakbang sa pagdating ng Super El Niño, ipinag-utos ni Gob. Dolor sa mga konsernadong ahensya

June 21, 2026 | News by PISD

📣𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Bilang paghahanda sa posibleng maranasang matinding tagtuyot na maaaring tumagal hanggang sa unang bahagi ng 2027, inaatasan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairperson at Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang lahat ng mga konsernadong ahensya at tanggapan ng pamahalaan na magsumite ng kani-kanilang mga plano at hakbang upang mabawasan ang epekto nito sa agrikultura, suplay ng tubig, enerhiya, kalusugan, kabuhayan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Sa bisa ng Memorandum No. 004 series of 2026, mas palalakasin ang mga gagawing hakbang upang mapaghandaan at mabawasan ang mga pinsalang maaaring idulot ng El Niño.

📌 Deadline ng Pagsusumite: 26 Hunyo 2026, 3:00 PM.

Pinaaalalahanan din ang lahat ng kinauukulang tanggapan na magpatuloy sa regular na monitoring at agarang pagsusumite ng mga sitwasyon at update sa PDRRM Emergency Operations Center.

Sama-sama tayong maging handa sa mga hamong dulot ng El Niño.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1bK8vdVdjW/

Scroll to Top