June 20, 2026 | News by PISD

๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
20 Hunyo 2026, Pinamalayan – Nakisaya si Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa pagdiriwang ng daan-daang senior citizens sa Pinamalayan.
Kasama si First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, inanunsyo ni Gob. Dolor sa pagtitipon na nilagdaan na niya ang ordinansang nagtatakda ng pagbibigay insentibo sa mga nakatatandang residente ng lalawigan simula edad 70 taon.
Nagbigay rin siya ng mga regalong bigas at appliances para sa mga dumalo sa nasabing pagdiriwang.
Bukod dito, pagkakalooban din ng Pamahalaang Panlalawigan ng tig-Php10,000.00 ang samahan ng senior citizens mula sa 37 barangay sa Pinamalayan at sasakyang maaari nilang magamit sa kanilang mga aktibidad.
Nagtipon sa gawain ang mga nakatatandang residente mula sa ibaโt ibang barangay ng nasabing bayan sa selebrasyong pinangunahan ni Ms. Christine โC3โ De Castro.
