Mindoro Tamaraws, wagi kontra Valenzuela City Darkhorse

June 20, 2026 | News by PISD

𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗧𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮𝘄𝘀, 𝘄𝗮𝗴𝗶 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗮𝗿𝗸𝗵𝗼𝗿𝘀𝗲

20 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Wagi ang Mindoro Tamaraws kontra Valenzuela City Darkhorse sa naging laro ngayong gabi para sa 2026 Maharlika Pilipinas Basketball League Regular Season na ginanap sa Pola Gymnasium.

Mahigpit ang naging labanan ng dalawang koponan subalit nasungkit ng kinatawan ng lalawigan ang pagkapanalo sa score na 93-91.

Kinilala naman bilang Player of the Game si JC Recto ng Mindoro Tamaraws matapos makapagtala ng 16 puntos, tatlong rebounds at apat na steals.

Bago ang naging labanan, magkatuwang namang pinangunahan nina First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor at Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz ang isang ceremonial toss.

Patuloy ang laban ng Mindoro Tamaraws sa nasabing kompetisyon upang masungkit ang kampeonato para sa nasabing liga.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Pt2WYsMHG/

Scroll to Top