June 19, 2026 | News by PISD




𝐓𝐔𝐁𝐈𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐆𝐀𝐋𝐄𝐑𝐀. ![]()
Dahil sa El Niño na nararanasan sa buong bansa, kakulangan sa suplay ng tubig ang isa sa hamong dinaranas ng ilang bayan. Sa katunayan, nagdeklara na ng State of Calamity ang Bayan ng Puerto Galera dahil sa kakulangan ng tubig sa 10 Barangay.
Bilang tugon, iminungkahi natin sa naging pagpupulong natin sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) isang resolusyon magbibigay ng tulong pinansyal para sa Puerto Galera (Resolution no. 3 S. 2026). Paunang ₱1milyon para sa pangbili ng mga kagamitan gaya ng hose at krudo para sa paghahatid ng tubig. Bukod dito, maglalaan din ng ₱250,000 na buwang tulong hanggang sa manumbalik ang suplay ng tubig sa kanilang bayan.
Ngayong araw, inilapit na natin ito sa Sangguniang Panlalawigan upang maaprubahan at agarang mabigyan ng tulong ang Bayan ng Puerto Galera.
