June 19, 2026 | News by PISD

𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱𝗹𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗥𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔
19 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Pinangunahan ng Professional Regulation Commission (PRC) MIMAROPA ang isang Bloodletting Activity ngayong araw sa Mangyan Hall, Provincial Capitol.
Bahagi ang aktibidad ng ika-dalawang taon ng Project Pulse, isang programang pangkalusugan na isinasagawa ng nasabing ahensya kasabay ng ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa ilalim ng pangangasiwa ni PRC MIMAROPA Regional Director Reynaldo Agcaoili.
Mahigit 60 blood donors ang boluntaryong nagbahagi ng kanilang mga dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Naging katuwang naman ng PRC MIMAROPA sa gawain ang Philippine Red Cross-Oriental Mindoro Chapter sa pangunguna ni Chaiperson Marilou Morillo at ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) na pinamamahalaan ni PGDH-PPESO Antonio M. Magnaye, Jr.
Dumalo sa gawain sina Calapan City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama si Calapan City Councilor at Calapan City Blood Council Chairperson June Cabailo, at mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya at mga paaralan sa lalawigan.
Bilang kinatawan naman ni RD Agcaoili, pasasalamat ang ipinaabot ni Bloodletting Activity Team Leader Arvin R. Lunar sa mga nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.

