June 18, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ
18 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Higit pang hinubog ng Pamahalaang Panlalawigan ang kakayahan ng mga tagapagsanay ng mga kooperatiba tungo sa mas epektibong pakikipag-ugnayan at pagbabahagi ng mga kaalamang pangkooperatiba.
Ito ang layunin ng tatlong araw na โTraining of Trainers for Prospective Accredited Training Providers of the Cooperative Development Authority (CDA)โ na pinangunahan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa pamumuno ni PGDH-PCDO Orlando B. Tizon sa Mangyan Hall ng Provincial Capitol.
Isa-isang sumalang ang 24 na training providers sa limang minutong demo-discussion ng kani-kanilang mga napiling paksa na pawang mahahalagang malaman ng mga kooperatiba.
Layunin nitong alamin ang kasalukuyang antas ng kanilang kapasidad na magsalita sa harap ng publiko at gumanap bilang pangunahing tagapagsanay.
Matapos ang bawat presentasyon, nagbigay naman ng komento at tagubilin sa mga kalahok sina PGDH-PCDO Tizon at mga kinatawan mula sa Marinduque State University na sina Associate Professor V Michael V. Capiรฑa, Associate Professor V Julie P. Rodelas, at Associate Professor III Generoso E. Udanga.
Ang nasabing Unibersidad ang naging katuwang ng PCDO upang maisakatuparan ang nasabing gawain.
Binigyang-diin naman ni PGDH-PCDO Tizon na mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng mga kooperatiba ang pagbibigay-karunungan sa mga miyembro nito sapagkat ito aniya ang magsisilbing armas tungo sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap para sa kani-kanilang samahan.
Bago naman ito, nauna nang sumailalim ang mga kalahok sa dalawang virtual session noong ika- 2 at ika-9 ng Hunyo na naging bahagi ng pagsasanay.
Ibinahagi sa kanila dito ang mga estratehikong pamamaraan upang maging mas epektibong tagapagsalita at tagapagbahagi ng kaalaman.
