Mental Health and Psychosocial Support Services Training, pinangunahan ng PHO

June 18, 2026 | News by PISD

📌 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐌𝐇𝐏𝐒𝐒) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

📅 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟓–𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔

📍 𝐇𝐢𝐫𝐚𝐲𝐚 𝐅𝐚𝐫𝐦 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐫𝐭, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐚𝐦𝐛𝐨𝐧𝐠, 𝐆𝐥𝐨𝐫𝐢𝐚, 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨

Isinagawa ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐇𝐎), sa tulong ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 – 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐎𝐇-𝐂𝐇𝐃) 𝐌𝐈𝐌𝐀𝐑𝐎𝐏𝐀, ang 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐌𝐇𝐏𝐒𝐒) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 para sa iba’t ibang frontline responders at key stakeholders sa lalawigan.

Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa mga 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐌𝐇𝐎𝐬), 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎𝐬), 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥𝐬, 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐇𝐑𝐌𝐎), 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎), 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐒𝐖𝐃𝐎), 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐆-𝐄𝐍𝐑𝐎), 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐁𝐅𝐏).

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagbibigay ng angkop na mental health at psychosocial support sa mga indibidwal at komunidad na apektado ng mga sakuna, krisis, emergency, at iba pang nakababahalang pangyayari.

Mahalaga ang MHPSS sapagkat hindi lamang pisikal na pangangailangan ang dapat tugunan sa panahon ng kalamidad at emerhensiya. Kasinghalaga rin ang pangangalaga sa emosyonal, sikolohikal, at panlipunang kalagayan ng mga apektadong indibidwal upang mapabilis ang kanilang pagbangon at makatulong sa pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay. Bukod dito, binibigyang kakayahan din ng pagsasanay ang mga responders na mapangalagaan ang kanilang sariling mental well-being habang patuloy na naglilingkod sa komunidad.

𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬, 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝. 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐭 𝐩𝐬𝐲𝐜𝐡𝐨𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐩𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐞. 💚

.

.

.

.

.

𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐: 𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HAceoCLKa/

Scroll to Top