DOLE at Pamahalaang Panlalawigan, mas pinalalim ang kooperasyon para sa edukasyon ng katutubo

June 16, 2026 | News by PISD

๐——๐—ข๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ

16 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Mas pinalalim na ugnayan tungo sa pagsusulong ng pinalawig na edukasyon para sa mga katutubong Mangyan ang higit pang pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Opisyal nang nilagdaan nina Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr., kasama sina DOLE OIC-Assistant Secretary Atty. Jebb Lynus Q. Cane at DOLE MIMAROPA Regional Director Naomi Lyn Abellana ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Government Internship Program – Zero Illiteracy and Innumeracy Program (GIP-ZIIP).

Isa itong programang magkatuwang na pinangangasiwaan ng PGOM at DOLE upang mapaunlad ang kakayahang bumasa, sumulat at bumilang ng mga nabibilang sa Indigenous Peoples (IPs) Community sa Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan nito, mapalalakas ang kanilang partisipasyon sa komunidad at mapatataas ang kanilang kumpiyansang makisalamuha, makipagtransaksyon at makipamuhay.

Hatid nito ang eksklusibong edukasyon sa pamamagitan ng mga katutubong GIP interns na tagapagturo ng kanilang kapwa IPs.

Binigyang-diin ni Gob. Dolor sa ilalim ng kaniyang administrasyon, walang maiiwang IPs pagdating sa edukasyon.

Aniya pa, hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pag-abot ng mga katutubong komunidad kasabay ng kaniyang adhikaing matulungan silang makaunawa at makapagpasya.

Bilang kinatawan naman ni DOLE Secretary Francis Tolentino, ipinahayag ni DOLE OIC-Asst. Sec. Cane na hindi lamang isang akademikong programa ang GIP-ZIIP sapagkat malaki ang kontribusyon nito sa pagpapaunlad ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo.

Sinaksihan naman ang gawain nina First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, Oriental Mindoro IPMR Bokal Lagtum Pasag, Pola Mayor Inah Alegre, ZIIP Program Manager Myrna Jimenez, mga kinatawan mula sa NCIP, PRC- Calapan City, PNP-Calapan City Station, NCMB, TESDA at PMAOMI.

Dumalo rin dito ang mga benepisyaryo ng iba pang programa ng DOLE tulad ng TUPAD, JobStart, at SPES.

Magkatuwang namang pinangasiwaan ang gawain ng GIP-ZIIP Technical Working Group ng DOLE at PGOM na kinabibilangan ng PPESO na pinamumunuan ni PGDH-PPESO Antonio S. Magnaye, Jr. PPDO na pinangangasiwaan ni PPDO Coordinator Lydia Muรฑeca Melgar, PSWDO sa pangunguna ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, PHO na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela Ante at Governorโ€™s Office, kasama ang mga kawani mula sa PDRRMO na pinangangasiwaan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/14fSQyden4J/

Scroll to Top