Matinding init ng panahon, simulang mararamdaman sa lalawigan ng Oriental Mindoro pagsapit ng Nobyembre 2026

June 15, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป, ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

15 Hunyo 2026, Oriental Mindoro – Inaasahang mararamdaman ang matinding init ng panahon sa lalawigan ng Oriental Mindoro pagsapit ng buwan ng Nobyembre at inaasahang tatagal hanggang sa unang mga buwan ng taong 2027, ayon kay Calapan PAGASA Station Officer Edmundo Muning.

Ito ang kanyang iniulat kay Gobernador Humerlito โ€œBonz” A. Dolor at sa iba pang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na dumalo sa isinagawang 2nd quarter meeting ngayong ika-15 ng Hunyo.

Kaugnay nito, kaunti lamang ang inaasahang bilang ng mga posibleng mabuong bagyo sa huling quarter ng taong 2026 na maaari namang umabot hanggang Super Typhoon category.

Simula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon, posibleng siyam (9) hanggang 13 bagyo ang mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Calapan Pagasa.

Kapag nangyari ito, inaasahang lalo pang mararanasan ang mas mainit na klima sa panahon ng tag-init sa 2027.

Dahil dito, sa bisa ng ipinasang Memorandum No. 004 series of 2026 ng PDRRMC, inatasan ni Gob. Dolor bilang Chairperson nito, ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at Municipal o City Disaster Risk Reduction and Management Councils na miyembro ng PDRRMC na magsumite ng preparedness measures hanggang sa ika-26 ng Hunyo. Ito ay upang masigurong handa ang lahat ng mga bayan at ahensya ng pamahalaan sa banta ng Super El Niรฑo.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GEPUeNqg9/

Scroll to Top