June 15, 2026 | News by PISD


๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐ถ๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฎ, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด-๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐ฏ. ๐๐ผ๐น๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐๐
Ipinag-utos ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mas pinaigting na operasyon laban sa pagpupuslit ng mga iligal na droga kasunod ng dumaraming insidenteng naitatala kamakailan.
Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa 2nd Quarter Joint Council Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), PADAC, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Aniya, hindi lamang ito problema sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahil maging ang buong rehiyong MIMAROPA ay nahaharap ngayon sa problemang ito, base sa kanilang naging Regional Council Meeting.
Mahigpit na pagbabantay sa pangunahing entry points ng lalawigan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga checkpoint ang iminungkahi ni Gob. Dolor, na sinusugan naman ng iba pang mga miyembro ng mga konseho upang masuri ng maayos ang mga sasakyan, kargamento at bisitang pumapasok sa lalawigan.
Palalakasin din ang binubuong Task Force na mangunguna sa pagpapatupad ng mas pinaigting na enforcement activities laban sa iligal na droga.
Humihingi naman ng tulong ang PDEA sa mga punumbarangay na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad at pagsuporta sa mga programang kanilang isinusulong para sa kaayusan at kaligtasan ng mga komunidad sa lalawigan.
Samantala, kinilala naman ng PDEA ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) San Teodoro bilang drug-cleared jail facility.
