PDRRMO, nagtalaga ng Standby Medic para sa MARSEC Readiness Evaluation

June 13, 2026 | News by PISD

📍 TINGNAN | STANDBY MEDIC

Alinsunod sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at makapaghatid ng maagap at mahusay na serbisyo sa mamamayan, nagtalaga ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Standby Medic Team para sa isinagawang:

Activity : Maritime Security (MARSEC) Readiness Evaluation

Venue : Brgy. Lazareto, Calapan City

Date : June 13, 2026

Sa layuning matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok at ng publiko, nakaantabay ang Standby Medic Team sa buong panahon ng aktibidad upang magbigay ng agarang medikal na serbisyo at matiyak ang kahandaan sa pagtugon sa anumang insidenteng maaaring mangailangan ng atensyong medikal.

Patuloy na nakahanda ang PDRRMO na suportahan ang mga programa at aktibidad sa lalawigan sa pamamagitan ng mabilis, maaasahan, at epektibong emergency response para sa kapakanan ng bawat Mindoreño.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:

Operations and Warning Division

+(63) 948 146 0382

+(63) 920 951 3690

Administration and Training Division

+(63) 916 220 1847

Research and Planning Division

+(63) 948 154 1775

Source: https://www.facebook.com/share/p/1KdLNvXDVM/

Scroll to Top