Pagtatayo ng 2MW Generation Facility sa Brgy. Catiningan, Socorro pinayagan ng Sangguniang Brgy.

June 13, 2026 | News by PISD

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝟐𝐌𝐖 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐭𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐲𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲

Matapos ang dayologo natin sa Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO), agad tayong lumiham sa Barangay Catiningan, Socorro sa pamumuno ni Barangay Captain Gerry C. Lubi upang ipahayag ang kagustuhan ng ORMECO na magtayo ng additional 2MW Generation Facility sa kanilang Barangay. Ito ang magsisilbing back-up ng Socorro, Pola at ilang barangay sa Pinamalayan.

Bilang tugon, isang resolusyon ng hindi pagtutol ang nilagdaan ng Barangay Catiningan sa pangunguna ni Kapitan Lubi at Sangguniang Barangay. Muli, maraming salamat sa Sangguniang Barangay at kay Konsehal Sherly Pineda sa pakikiisa sa ating mabuting hangarin.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EjsfVjnH9/

Scroll to Top