Isang dating gurong centenarian, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

June 13, 2026 | News by PISD

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

13 Hunyo 2026, Mansalay – Naglingkod ng mahigit 15 taon bilang guro sa Mansalay Central School si Nanay Josefina โ€œPenโ€ Dimatulac na isang centenarian mula sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Naitaguyod niya ang kaniyang anim na anak sa kanyang pagiging guro.

Ipinanganak si Nanay Pen noong ika-3 ng Hunyo 1926.

Personal siyang binisita ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor at First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor upang igawad ang Php100,000.00 at Sertipiko ng Pagkilala.

Simbolo ito ng pagpapahalaga sa kaniyang mahabang buhay at natatanging kontribusyon sa komunidad bilang isa sa mga naging tagapagsulong ng edukasyon at inspirasyon sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.

Ayon naman sa kaniyang pangalawang anak na si Nobleza D. Bautista, gagamitin ang perang natanggap ng kanilang ina sa pagbili ng mga pangangailangan nito sa bahay tulad ng pagkain, damit, gamot at iba pa.

Naging katuwang ng Gobernador sa nasabing gawain ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinangangasiwaan ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Special Assistant on Senior Citizens Affairs Ester Malapitan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HPQbDJ1en/

Scroll to Top