Centenarian Nanay Isidora Magbanua ng Mansalay, inspirasyon sa malusog na pamumuhay

June 13, 2026 | News by PISD

๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†, ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†

13 Hunyo 2026, Mansalay – Inspirasyon ng malusog na pamumuhay ang naging kwento sa likod ng ika-100 taon ni nanay Isidora โ€œOrayโ€ M. Magbanua na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong ika-15 ng Marso.

Personal na binisita ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor si Nanay Oray sa kanyang tahanan sa Sitio Calumon II, Brgy. Del Mundo, Mansalay.

Sa pangangalaga ng kaniyang bunsong anak na si Welinda Mondea, pagkain ng sari-saring gulay tulad ng labong at iba pang masusustansyang pagkain ang naging sikreto sa mahabang buhay ng kaniyang ina.

Itinaguyod ni Nanay Oray ang kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng tuba na kinukuha noon ng kaniyang asawa mula sa puno ng niyog.

Bagamaโ€™t mahina na ang pandinig, masigla pa siyang nakipagkwentuhan kay Gob. Dolor.

Bilang pagkilala naman sa yugto ng ika-isang siglo ng kaniyang buhay, iginawad sa kaniya ng Ama ng Lalawigan ang Php100,000.00 na insentibo, Sertipiko ng Pagkilala at bulaklak na simbolo ng kaniyang pagiging isang natatanging mamayan sa Oriental Mindoro.

Katuwang ng Gobernador sa nasabing gawain ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinangangasiwaan ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Special Assistant on Senior Citizens Affairs Ester Malapitan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18dDbR6nXm/

Scroll to Top