June 12, 2026 | News by PISD



๐ญ,๐ณ๐ฎ๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ, ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ข๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
12 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan โ Umabot sa 1,728 mga trabaho ang kaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan sa โTrabaho Agad Job Fairโ kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Isa itong hakbang ng pamahalaan tungo sa tipid oras at tipid perang proseso ng aplikasyon para sa jobseekers sa pamamagitan ng mas pinalapit na pagtitipon ng mga kumpanyang nag-aalok ng trabaho.
Dito, mahigit 300 mga aplikante ang sumailalim sa interview at nagpasa ng kanilang mga dokumento sa 13 pribadong kumpanya na lumahok sa nasabing gawain.
Sa mabilis at madaling proseso ng kanilang naging aplikasyon, mahigit 100 sa kanila ay na-hire ON-THE-SPOT at lubos ang pasasalamat sa DOLE at Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor.
Kabilang din sa mga nabigyan ng oportunidad sa Job Fair ang ilang mga aplikante mula sa Indigenous Peoples (IPs) Community na natanggap bilang mga bagong guro sa ilalim ng Programang Pang-Edukasyon sa Kalibliban o PPsKA, isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na nagtatalaga sa mga guro sa mga liblib at bulubunduking komunidad sa lalawigan.
Gayundin, isang aplikanteng nagtapos sa Mindoro State University โ Calapan Campus ang personal na inalok at na-hire ng Gobernador upang magtrabaho bilang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa ipinadala namang mensahe ni DOLE Secretary Francis Tolentino, binigyang-diin niya ang kaniyang hangaring mabigyan ng trabaho ang lahat ng jobseekers na nakiisa sa programa upang umuwi ang mga itong may hatid na magandang balita para sa kanilang pamilya.
Nakiisa rin sa gawain at nagbigay ng kani-kanilang serbisyo ang ibaโt ibang National Government Agencies (NGAs) tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pinangunahan ang gawain ni DOLE MIMAROPA Regional Director Naomi Lyn C. Abellana, katuwang ang mga kawani ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) na pinangangasiwaan ni PGDH-PPESO Antonio S. Magnaye, Jr.
