June 11, 2026 | News by PISD


๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป-๐ ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ ๐๐ถ๐ฟ๐ฐ๐๐บ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐น ๐ฅ๐ผ๐ฎ๐ฑ, ๐ธ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ
11 Hunyo 2026, Victoria – Kongkreto at maluwag na alternatibong daang magpapagaan sa daloy ng mga sasakyan ang kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa bayan ng Victoria.
Sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, opisyal nang pinasinayaan ang Circumferencial Road na nagkokonekta sa Barangay Merit at Brgy. Bambabanin, isang kalsadang higit pang magpapabilis sa transportasyon ng mga lokal na produkto at magsusulong ng higit pang kaligtasan para sa mga biyaherong dadaan sa nasabing bayan.
Bukod pa rito, ang nasabing kalsada rin ang magsisilbing daan ng mga sasakyan patungo sa ruta ng itatayong Bambanin-Merit Esplanade, isa sa apat (4) na proyektong pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan para sa sektor ng turismo.
Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Andres Isagani S. Lolo ang pagbabasbas at pag-aalay ng panalangin para sa proteksyon ng mga motorista at mga mamamayang dadaan dito.
Nagpakita ng suporta sa gawain sina First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr., Sangguniang Panlalawigan Board Member Roland Ruga, BM Ryan Arago, BM Ronalee Leachon, Mayor Richard Inciong kasama ang Sangguniang Bayan ng Victoria, Pola Mayor Inah Alegre, DPWH 1st District Assistant Engr. Albien M. Mahia,department heads ng Pamahalaang Panlalawigan, mga kapulisan at mga kawani mula sa PDRRMO.
Pinangasiwaan naman ang gawain ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Provincial Tourism Officer Dhon Stepherson Calda.
