Higit na pagsasaayos ng mga plano at programa ng Pamahalaang Panlalawigan, isinusulong ng ManCom

June 10, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Kasalukuyang nagsasagawa ng pagpupulong ang Management Committee (ManCom) ng Pamahalaang Panlalawigan na kinabibilangan ng mga department head ng Kapitolyo kasama si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor upang talakayin ang pangunahing deliverables ng PGOM para sa taong 2026 hanggang sa kalagitnaan ng taong 2028.

Kasama rin sa tatalakayin ang mga hakbang upang matiyak na ganap na masunod ang mga naging rekomendasyon at patakaran ng Commission on Audit (COA) base sa naging resulta ng kanilang auditing sa pananalapi at operasyon ng Pamahalaang Panlalawigan.

Layunin ng gawaing ito na tiyaking maayos ang pagpaplano, koordinasyon at pagpapatupad ng mga programa, proyekto at iba pang mga serbisyong direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng Oriental Mindoreño.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HFGkyXHv2/?mibextid=wwXIfr

Scroll to Top