June 10, 2026 | News by PISD


Power Generation Facility sa Socorro at Calapan.
Matapos ang naging pakikipag-ugnayan natin sa Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. (ORMECO) noong lunes, naipadala na natin ang liham sa Barangay Catiningan, Socorro at Barangay Puting Tubig, Calapan City.
Upang magsilbing back-up ng suplay ng kuryente sa mga bayan ng Socorro, Pola at ilang barangay sa Pinamalayan, nais ng ORMECO na makapagpatayo ng 2MW Generation Facility sa Barangay Catiningan, Socorro.
At para naman sa mga barangay ng Calapan na sakop ng CA400, isang 4MW Generation Facility naman ang nais itayo ng ORMECO sa Barangay Puting Tubig, Calapan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CqnvaFLjc/?mibextid=wwXIfr
