June 10, 2026 | News by PISD

π
πππ πππππππππ ππ πππππππππππ: ππππ πππ π
πππππ πππππππ πππππ πππππ-ππππππ πππππππππππ ![]()
Isinasagawa ngayong June 10, 2026 sa Provincial Agriculture Center ang π―πππ π-πΆπ π·πππ πππ π«ππππππππππ ππ πͺππππππππ-π©ππππ π·πππ ππππ para sa mga Agricultural Extension Workers (AEWs) at Farmer Leaders (FLs).
Pinangunahan ng Agricultural Training Institute (ATI) MIMAROPA ang pagsasanay na nilahukan ng AEWs at FLs mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Layunin nitong palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagproseso at pagbuo ng mga produktong may dagdag na halaga mula sa kalamansi gamit ang makabagong teknolohiya sa food processing at product innovation.
Sa pamamagitan ng aktuwal na hands-on training, natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng iba’t ibang produktong may mataas na potensyal sa merkado tulad ng πππππππππ ππππππ πππ, πππππππππ ππππ, πππππππππ πππππππ, ππ πππππππππ πππππππππππ. Bukod sa mga teknikal na kasanayan, nabigyang-diin din ang kahalagahan ng product quality, innovation, at value-adding bilang susi sa mas mataas na kita at mas matatag na kabuhayan.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng ATI MIMAROPA sa pamumuno ni Center Director Pat Andrew B. Barrientos at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito βBonzβ A. Dolor, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistβs Office (PAGO) sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na binibigyang-lakas ang mga magsasaka at agricultural extension workers upang maging mas inobatibo, kompetitibo, at handa sa mga oportunidad ng agripreneurship at value-added processing.
