June 9, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢![]()
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ay taus-pusong nakikidalamhati sa ating mga kababayang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sama-sama nating ipagdasal ang kanilang kaligtasan at muling pagbangon mula sa kasalukuyang unos na kanilang kinakaharap.
Gayundin, ating idalangin ang lahat ng frontliners, rescuers at mga boluntaryong nangunguna sa pagpoprotekta, pangangalaga at pagsasalba ng buhay ng ating mga kababayan doon sa kabila ng panganib.
Sa panahong ito ng pagsubok, manaig nawa ang pagkakaisa, pananampalataya, pagtutulungan at pagmamahal para sa ating kapwa.
