Hakbang laban sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa lalawigan, inilatag sa dayalogo sa pagitan ng PGOM at mga ahensya sa sektor ng enerhiya

June 9, 2026 | News by PISD

๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—š๐—ข๐—  ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ

08 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Nakipagdayalogo si Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa mga kinatawan ng National Power Corporation (NAPOCOR), National Transmission Corporation (TransCo), Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) Inc. at isang Independent Power Provider (IPP) kahapon, ika-8 ng Hunyo upang talakayin ang mga kongkretong hakbang para masolusyunan ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa lalawigan.

Naging sentro ng pagpupulong ang pagtatayo at pagkonekta ng dalawang (2) bagong planta ng kuryente sa bayan ng Socorro at Lungsod ng Calapan sa 13.8 KV na linya ng ORMECO.

Kapag ito ay naisakatuparan, inaasahang hindi na gaanong maaapektuhan ang sakop nitong mga barangay sa mga bayan ng Pola, Socorro at ilang bahagi ng Pinamalayan, at sa ilang mga barangay sa Lungsod ng Calapan sa ipinatutupad na rotational brownout.

Bukod dito, pinabibilis na rin ang proseso ng pagkonekta ng 7MW na planta ng isang IPP sa bayan ng Bansud sa 69KV transmission line ng NAPOCOR.

Inilatag na ng mga kinatawan ng TransCo ang mga rekisitos na kailangang isumite sa kanila ng naturang IPP upang kaagad na makapagsagawa ng Generating Unit Capability Test (GUCT), makapag-isyu ng clearance at tuluyan nang maikonekta ng NAPOCOR sa kanilang linya.

Ang mga hakbang na ito ay inaasahang makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng sapat at maaasahang suplay ng kuryente sa lalawigan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EyeFPvRQh/

Scroll to Top