Groundbreaking ng Socorro Municipal Auditorium, isinagawa

June 9, 2026 | News by PISD

๐—š๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜‚๐—บ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

06 ๐˜๐˜ถ๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ 2026, ๐˜š๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฐ โ€“ Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Socorro Municipal Auditorium, isang proyektong ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan sa ilalim ng One Town, One Legacy Project ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor.

Pinangunahan ng Ama ng Lalawigan, kasama ang kanyang maybahay, First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, Mayor Nemmen Perez at Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino ang seremonya. Nakiisa rin sina SP Board Members Ryan Arago at BM Ralf Jonel Recto, gayundin, ang Sangguniang Bayan Members ng Socorro.

Bahagi ng programa ang paghuhulog ng time capsule at unveiling ng project perspective bilang hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon.

Naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng paunang P30 milyon para sa Phase 1 ng proyekto, habang nakatakda pang maglaan ng karagdagang pondo upang matapos ang pagawanin.

Ang lupang pagtatayuan ng pasilidad ay ipinagkaloob naman ng Pamahalaang Bayan ng Socorro.

Inaasahang magsisilbing sentro ng mga gawaing pampamahalaan, pangkomunidad, at pangkultura ang Municipal Auditorium. Magbibigay rin ito ng mas maayos na venue para sa mga pagpupulong, programa, at iba pang mahahalagang pagtitipon sa naturang bayan.

Nagpasalamat si Mayor Perez kay Governor Dolor at sa kabuuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na suporta sa mga proyekto at programang ipinatutupad sa kanilang bayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Dolor ang patuloy na pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura at pangkaunlaran sa bayan ng Socorro.

Binanggit din niya ang isinusulong na Naujan Tourism Circuit na sumasaklaw sa mga bayang nakapalibot sa Naujan Lake, kabilang ang Socorro, Pola, Victoria, at Naujan, na inaasahang makatutulong sa paglikha ng karagdagang trabaho at pagpapalakas ng turismo sa lugar.

Nauna rito ang kanyang naging pagkilala sa lahat ng kanyang naging kaagapay upang maisakatuparan ito kabilang ang Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice-Governor Antonio Perez, Jr. at ang suporta rin ng Sangguniang Bayan members ng Pamahalaang Bayan.

Dinaluhan ang seremonya nina Provincial Engineer Edylou Tejido, Office of the Governor Chief of Staff Nette Dalupan, Senior Executive Assistant Joey Dalupan, dating Vice-Mayor Roy de Claro, Oriental Mindoro Provincial Police Office Provincial Director Col. Edison V. Revita, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Socorro, mga opisyales ng mga barangay, ibaโ€™t ibang samahan, at iba pang konsernadong indibidwal.

Pinangunahan naman ni Oroengal Mindoro Ambassador of Christ Bishop Joel Mancio ang pagbabasbas at panalangin para sa itatayong proyekto.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JCYWhD3Jw/

Scroll to Top