BASAHIN: Kaka sa Yawan (π˜‰π˜³π˜°π˜΅π˜©π˜¦π˜³π˜΄ π˜‰π˜Ί π˜›π˜©π˜¦ π˜™π˜ͺ𝘷𝘦𝘳)

June 9, 2026 | News by PISD

𝐊𝐚𝐀𝐚 π’πš 𝐘𝐚𝐰𝐚𝐧 (π˜‰π˜³π˜°π˜΅π˜©π˜¦π˜³π˜΄ π˜‰π˜Ί π˜›π˜©π˜¦ π˜™π˜ͺ𝘷𝘦𝘳)

Isang kwento ng pagkakaibigan at kultura ang tampok sa 2026 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gaganapin sa August 6 hanggang 18, 2026.

Hango ang kwento sa pagkakaibigang nabuo ng isang laking Maynila na si Benedix Ramos at batang Mangyan na si Dennis Datu. Matapos ang 10 taon, bilang naging pangako nila sa isa’t isa, muling pinagtagpo ang kanilang landas. Ayon sa Director ng pelikula na si Alpha Habon, humingi sila ng permiso sa National Commission on Indigenous People o NCIP at mga nakakatanda na Katutubong Mangyan upang magbigay respeto sa paglalahad ng gawi at kultura ng ating mga kapatid na Katutubong Mangyan.

Ngayon pa lang ay taos-pusong pasasalamat na ang ipinaaabot natin sa bumubuo ng Kaka Sa Yawan sa pangunguna ni Direk Alpha Habon at sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa pagababahagi ng kultura at gawi ng ating mga Katutubong Mangyan.

Source: PEP Philippines

Link: https://www.pep.ph/…/kaka-sa-yawan-mangyan-culture…

Source: https://www.facebook.com/share/p/18nxCWukp4/

Scroll to Top