June 8, 2026 | News by PISD

𝗥𝗲𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁, 𝗧𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗖𝗢𝗔 𝗘𝘅𝗶𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲
08 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Tinalakay ng Commission on Audit (COA) kina Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ang naging resulta ng kanilang isinagawang pagsusuri sa pananalapi at operasyon ng lalawigan para sa Calendar Year (CY) 2025 sa pamamagitan ng isinagawang exit conference ngayong ika-08 ng Hunyo.
Bago ilabas ang pinal na audit report, minabuti ng COA na ilatag ang kanilang mga naging obserbasyon at rekomendasyon na kailangang isaalang-alang para sa responsable at sistematikong pamamahala ng mga serbisyo at programang ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga hepe ng Pamahalaang Panlalawigan na magpaliwanag at magbigay-linaw sa mga usaping tinalakay sa conference.
Mahalaga ang gawaing ito upang mapag-aralan at maisakatuparan ang mga rekomendasyon ng COA para sa pagpapataas ng antas ng integridad at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
