June 8, 2026 | News by PISD


𝗞𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗚𝗢𝗠 𝘀𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀
𝗕𝗮𝘀𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮
08 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Sumasailalim sa pagsasanay ang mga safety officer ng mga tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan sa ginaganap na Basic Life Support Training na pinangangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang Department of Health.
Ayon kay PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, ang pagsasanay na ito ay isang paraan upang mapalakas ang kakayahan ng mga safety officers bilang mga first responders sa Pamahalaang Panlalawigan.
Inaasahan naman na pagkatapos ng pagsasanay ay magiging katuwang ng PDRRMO ang mga safety officer sa pagtugon sa biglaang pangangailangan hindi lamang sa Kapitolyo kundi maging sa buong lalawigan.
Sinimulan ang dalawang araw na pagsasanay para sa unang batch ngayong araw at magtatapos sa Hunyo 9. Ang ikalawang batch naman ay isasagawa sa Hunyo 10-11.
